Sunday, January 11, 2009

The Ripple Effect

I believe that everything in this world has its own purpose.

Every action, decision, opinion, or lack of any of these can lead to something and goes on to affect a lot more.

Minsan hindi maganda ang effect, minsan naman okay. Pero whatever it is wala naman tayo magagawa kundi to just move on with our lives.

Magulo ang post na to kasi magulo din ang damdamin at utak ko. belat :D

To illustrate the ripple effect, here is a comercial from Honda. Nakakamangha, this comercial is done without special effets. The parts used were really parts of the Honda Accord :D Enjoy :D

Thursday, November 20, 2008

Lakbay Sulat-Kamay

Noong isang araw naghalungkat ako ng cabinets ko ng mga files, douments papers etc.

And laking gulat ko ng matagpuan ko ang aking journal na akala ko nawala na ng tuluyan. So habang binasa ko ulit yung mga entries ko ( na BTW ay sobrang nakakatawa pala magbasa ng mga bagay na ikaw miso ang nagsulat at hindi o na maalala o matandaan na sinulat mo) may isang bagay ako na napansin. Yung pagkakaiba ng handwriting ko.

Malaking issue ang handwriting ko nung bata ako. Nung nagsisiula akong mag-aral sobrang tae ng handwriting ko. Ang desription nga ng mga kaag-anak ko nun eh para daw akong manok kasi ukhang kinalahig ng manok yung notebook ko sa dumi at diin ng pagsulat ko. Ang sweet nila diba? hehe

What made it worse was papa was an engineer, eh di ang lupet ng sulat ng papa ko diba? parang ni ruler. I said to myself na sana maging ganun din ang handwriting ko paglaki ko.

Bukod sa panget na isang bagay pa na sobrang nagpalungkot sa'kin nun eh mabagal pa ko magsulat kaya kawawa ako kapag lecture time : ( lalo tuloy ako na-frustrate sa sarili ko nun, nung grade 3 ako marami akong mga kaklase na ang ganda sumulat, natatandaan ko dalawa silang babae: si Viela at si Paula. haha

Nung nag highschool na sinikap ko talaga pagandahin ang sulat ko, nagpapraktis ako nun sa likod ng mga bago kong biling notebook. "The quik brown fox jumps over the lazy near the back of the river" yan ang pratice phrase ko nun.

I remember every year nag eexperiment ako ng iba-ibang styles, all caps, cursive, yung normal slanted, haha

Kaya naman, nung college na ako bihasa na ko sa lahat ng klase ng pagsulat haha Dun ko din siguro naachieve yung fulfillment ko sa handwriting ko, ang masabihan na maganda ako magsulat. YES! hehe

May ibang tao hidi na nag-effort na pagandahin yung sulat nila kaya hinayaan na nilang pangit siya, sayang kasi para sa akin ang handwriting ay mahalaga. Parang nakakatulong siya sa personality and the way people perceive you.

Alam mo yung confident ka na magsulat sa mga cards and all kasi maganda yung pagsulat mo :D

I guess looking back sa journey na napagdaanan ng handwriting ko akikita mo din yung journey ko as a person, yung experimental stage nung high school and sa present na handwriting ko, which I think would be my official handwriting. haha

I was just amused by how many times I changed the way I write and I'm thinking if ganun din ang ibang tao. haha Ganun nga ba?

Tuesday, November 4, 2008

I like it BIG

If there would be a group other than UBE and AA that I treasure most is BIGGIE CLUB. :D

Nagsimula ang Biggie Club sa amin ni Jade. Naging seatmate ko na siya ever since 2nd year kami. Madalas kasi kaming lumabas sa Dapitan para lumamon everytime na may break kami. We eat anyhing from fishballs, chicken skin (kolesterol!), calamares, etc. Pero yung favorite talaga namin ay Biggie Combo ng Wendy's. haha

Then one day inaya namin si DJ na sumama. Pagkatapos nun si Matt na. At last but not the least sila Alex at Grace. Since going to Wendy's has become a routine, we decided to call ourselves the Biggie Club :D

Sobrang special sila sa'kin kasi I never thought na magkakaroon ako ng mga kaibigan sa room other than Fhadz kasi kami lang yung members ng AA. Plus lagi pa kaming wala sa room, andun lang kami sa klase kapag sa umpisa at sa huli. So nung nabuo yung Biggie Club ng 3rd year, naging masaya ako and thankful.

I guess sila kasi yung nagbabalance sakin noon. They were the reason that I remained sane. Kasi sa kanila I'm just their classmate, I could act and say things in any way I wanted. Sa AA kasi siyempre as the Artistic Director at that time I had to play the part diba? haha

Saka sa dami ng problema na iniisip mo maganda din na yung mga kasama mo minsan eh hindi nila alam ang mga problemang yun kaya hindi mo na naiisip. At sa lahat ng mga napagdaanan naming group projects and activities sobrang nagpapasalamat ako kasi minsan may pagkukulang man ako, binabawi ko naman sa ibang paraan. At the end of the day hindi ako papayag na ,mababa grade natin dahil sakin. haha

May extended friends din ang Biggie Club, ang grupo nila Dez, Arene, Madie, Judy, Kristine, at Shelly. :D Halos buong time na andun ang Biggie andun din sila. So kumbaga sa isang malaking grupo, kami yung sub group. haha Wala namang problema dun, basta ang importante lahat kami magkakasama lagi bilang isang malaking grupo na nagtutulungan at we support and critic each other :D

You might call them honorary members of the Biggie Club, haha and minsan pati yung No family kasama din namin. Sina Jenny, Shiela Sweetie, Denise, at Chuchie. :D

The two groups, sobrang we get along with each other, we could easily form one giant group. Half of the class na kasi kami eh.
Last October 26, nag celebrate si Dez ng kanyang birthday sa Trinoma. :D Andaming present! :D

Here are the pictures :D



Biggie Club!

Alex, Grace, DJ, Jade, and ME!

(Kulang, wala si Matt! mamaya may picture si Matt)



Thesismates!: (Sayang wala ang adviser..BOO!)

Madie, Arene, and ME


More people!

ME, ang celebrator na si DEZ!, Ate ni DJ, DJ, Kristine




Me with LRT girls

Madie, Arene, ME, and Dez



Ayan andito na si Matt!

Clockwise from left: Dez, ME, Ate, DJ, Kristine, Paolo, MATT (na hindi nagpaparamdam! haha), Alex, Jade, Aldwin, and Judy


Dahil tinatamad na ko maglagay ng ibang pictures, andun din pala sina Verity at Clarabelle. Visit niyo yung site ni verity sa multiply nagbebenta siya ng cute accesories :D http://claycorner.multiply.com/

Naisipan ko itong i-post kasi namimiss ko lang sila, pati na lahat ng taong naging parte ng four years ko noong college. I really don't want us to forget each other and stuff, alam ko we are all busy and we don't text each other but I can feel naman that when we are together iba yung naging bond natin nung college. :D Salamat sa suporta at pangunawa :D

I suggest a christmas party? :D

Monday, November 3, 2008

When I grow up I want to be a...

We have a cousin who lives with us, three years old pa lang siya pero super daldal at nakakatawa siya kaya favorite namin siyang paglaruan. :D His name is Anan. :D

We decided to enroll him in a nursery just to see if he's ready :D Thankfully, mukhang okay naman siya. Yun nga lang, medyo hindi namin type yung way of teaching nila dun...well, that's a different story.

Anyway, so we were eating dinner then my sister told us a funny incident that happened in school with Anan. Sumama kasi siya sa school ni Anan since sembreak na sila.

So yung teacher nila was asking them one by one "Anong gusto mo maging paglaki mo?" (haha I'm sure everybody was asked the same question numerous times in different phases of our childhood. haha)

So yung mga classmates niya sumagot ng Doctor, Teacher, Nurse, etc.

Pagdating kay Anan..."Oh Anan, ano gusto mo paglaki mo?"

"Palaka" sagot ni Anan.

Sobra kaming natawa nung narinig namin yung kwento na yun habang kumakain kami! LOL moment yun.

Tinanong namin siya, "Baby bakit palaka??" Sabi lang niya.."kokak! kokak!"

Promise, nakakatawa tong bata na to. Who would've thought na sa lahat ng isasagot niya ay palaka pa yung inisip niya.

One day when he's older we'd talk about this incident and I'm sure sobrang matatawa siya sa sarili niya, hay nalungkot naman ako kapag iniisip ko kapag malaki na siya..baka matawag ko pa rin siyang baby.

Well, if ever he does become a "palaka" when he grows up, I'm sure he'd be the best palaka ever dahil andito lang kami para suportahan at mahalin siya :D Wag ka munang lalaki, please? :D

Friday, October 31, 2008

fUNDAS

It's that time of the year again. Undas na naman. yey.

Masaya ang undas para sa akin. Para kasi siyang pasko at bagong taon kasi halos ito lang ang panahon para makasama mo ang iba mong mga kamag-anak. Bukod pa doon ay sure na may handaan sa bahay dahil nga maraming bisita.

Isa pang bagay about undas is hindi lang family ang nagsasama kundi maging kayong magkakaibigan. :D Noong highschool tuwing undas wala kaming ginawa kundi maglakad sa buong sementeryo naghahanap ng kakilala. Yes, you may call it puntod-hopping. haha Pero favorite nila yung puntod namin, may mauupuan kasi at medyo kaunti ang tao kasi nasa private cemetery kami, pero pader lang naman ang pagitan noon sa public cemetery..haha

Hindi ko na ginagawa yun ngayon, actually matagal na rin nung huli akong nagliwaliw sa sementeryo nung undas. Siguro kasi tumanda na ko at hindi ko na trip na makipagsiksikan sa napakaraming tao. Ang ginagawa ko, naghihintay na lang akong may pumunta sa puntod namin, kapag wala, eh di wala..haha

Pero mukhang kakaunti lang ang mga makikita kong friends bukas. Yung kaibigan ko na may-ari ng computer shop sa kanto namin magbubukas siya bukas..sayang nga naman ang kita. Yung iba siguro nasa ibang lugar na or sandali lang din dadalaw..

Minsan napapangiti na lang ako ng palihim kapag nakikita ko ang mga pamangkin ko na gumagawa ng bola gawa sa tulo ng kandila. O di kaya kapag nakikita ko yung mga kapatid ko na gumagala at naghahanap ng mga kaibigan. Naiisip mo kasi kung gaano na kalayo yung pinagkaiba mo noon at sa kung sino ka na ngayon. Ibang-iba na yung pananaw mo sa mga bagay.

Kaya minsan sinusubukan kong balikan yung pakiramdam ng isang bata tuwing undas. Magugulat ka na marunong ka pa ring gumawa ng bolang kandila at sanay pa din ang mga daliri mo na mapaso sa mainit na wax. Kapag may nakit kang kaibigan ay susubukan niyo pa ring maghanap ng kasama kahit sandali lang at sa may gate na lang kayo nag aabang dahil ayaw niyo pareho makipagsiksikan...hay. Ang tanda ko na.

Thursday, October 30, 2008

Lalalala..chocnut!

Natapos na po ang run ng Batang Rizal at Lola Basyang sa PETA Theater Center, 30 plus shows din ang aming inihandog sa lahat ng klase ng tao. Students, teachers, friends, family, enemies, rivals, classmates, artista, politiko, tour guides, sponsors..lahat na :D

Sa mahigit 5,000 people na nanuod..SALAMAT PO! :D

Pero hindi dun nagtatapos ang pagbibigay aral ng mga dulang ito dahil kami po ay magtutour na ulit! :D yey! :D Kaya paniguradong magiging kaabang abang na naman kung saan kami mapapadpad para magtanghal :D

Yun nga lang, matatagalan ulit bago kami may show ulit, sa Nov. 20 pa ang simula ulit ng aming tour kaya naman nakakamiss din yung naging weekly routine mo nang nag shoshow...at worse baka tumaba ulit ako..YIKES! NO!!!

Para ma-imagine niyo din kung gaano kasaya ang mga dulang ginagawa namin heto po ang ilang pictures ng Batang Rizal na kuha mismo ng aming director na si Dudz TeraƱa :D eto po ang multiply niya kung saan ko po nakuha ang mga larawan na ito :D http://dudzt.multiply.com/

(Selfish ako kasi yung mga picture na andun ako, yun lang kinuha ko haha)

Company call before the show


Opening Song: Raffy (ME), BamBam (JMEE), Chiqui (KITSIE), Student/Pepe (NICCO)

"Maniwala sa sariling talino, batang pilipino!"

Manuel (KUYA ROI), BamBam (JMEE), Raffy (ME), Chiqui (KITSIE), Pepito (NAR), Kaye (ATE NEOMI)

Listening to Mayor Rapcu :D

"FIESTA! FIESTA FIESTA! BOM BOM BOM"

"Domingo!" :D

"WEH??" Bullies' (Raffy, Ela (CINDY), Manuel) first encounter with Pepe (NICCO)

Oras na para magtanong sa BOOKS!

Hehe bugtungan scene :D

Mayor Rapcu VS the students :D

Mayor inspecting the piece of the broken statue

SUPERBARKADA!!!

The End :D

Ayan, ilan lang po iyan sa napakadaming litrato. Sa mga nakanuod, I hope nag-enjoy kayo and at the same time ay may natutunan din :D Sa mga hindi pa nakakanuod, hindi pa huli ang lahat, balang araw mapapanuod niyo din ito, hintayin ko kayo :D hehe

Wednesday, October 22, 2008

kaBOOKi

Lame title..haha I know!

There are copies of Stephenie Meyer's Twilight series scattered around the house, the thing is they aren't mine.

Surprising because as far as I know, among me and my sisters, I've always been the bookworm. So it just surprised me to see one of my sisters reading a book. Finally, she is now starting to read stuff other than her school books. haha

I've been wanting to make them read books but it seemed they aren't really interested. To think that I have all my books displayed in my room and some even in their rooms. I would sometimes see them reading some of it but I don't know if they finished it or read some of my books other than bob ong.

That is why it was a welcome surprise when my sister asked me during dinner if i had a copy of Paolo Coehlo's The Alchemist. Of course i do have a copy, the thing is I can't seem to find it. hehe
So I'd suggest other titles for her to read which are equally if not even better titles. :D

I remember the first book I bouht was the first Animorphs novel, I think? I was in Grade 5 at that time and I was still studying in Dubai back then. Sometimes I would end up not buying a book because I already read the whole thing while my parents did the grocery.

There was a time that my dad kept reminding me that I should be careful of the books I read because he was worried about its content. He was talking about the Buffy the Vampire Slayer and Charmed novels I was reading back in High School. As if I'd become anti-christ by reading the novels, come on dad! Oh well, being paranoid is a trait of the family.

I found out that my sister's classmates are the ones responsible for this sudden interest in books. That's good. So I'm thinking they're having a book club of some sort..haha

If this keeps up, I'd be more than glad to buy books for her and see her read the books I have piled in my cabinet. Yey, another bookworm has arrived.